Sunday, April 19, 2009

Itago na Lang Natin Sila sa Pangalang...

Ako'y magsusulat sa aking wikang nakamulatan sapagkat may mga maaaring makaunawa kung hindi ko ito gagawin. Subalit nais ko talagang ipahiwatig ang kanilang kakapalan ng apog. Wow, heavy. Talagang kailangang sumulat ako tungkol dito dahil ako'y talagang bothered to the point of anger. Sorry, Taglish.

Ayon nga sa aking pamagat, itago na lang natin sila sa pangalang Prinsipe at Prinsesa. Kaya ito ang ginamit ko ay--bukod sa ang mga tunay na pangalan nila ay tulad ng prinsipeng malaki ang tainga at yumaong prinsesa ng isang bansa sa Europa--sila ang prinsipe at prinsesa ng kagulangan. Ever.

Ang kwento. Nagyaya ang prinsesang magdiwang ng kanyang pagtatapos sa kurso. Kahit marami akong alituntunin at kapos sa salapi, pumayag na rin ako dahil hapunan lang naman. Nandoon sa hapunan ang ibang kaibigan ni Prinsesa at pati ang kanyang nobyong si Prinsipe. Buong panahon na kami'y nagdedesisyon kung ano ang aming kakainin, ako'y nagkukwenta sa isip kung kaya ko bang bayaran ang aking hapunan. Kaya naman ako'y kumuha na lamang ng sopas at isa pang maliit na plato. Tanong ng nagsisilbi kung anong iinumin, tubig. Maliban din sa kape matapos ng hapunan, wala na akong kinuhang iba. Ako'y namangha na halos hindi lalampas sa dalawampung salapi ang aking babayaran.

Uwian na. Tumayo si Prinsesa upang pumunta sa banyo. Kinuha ni Prinsipe ang kwenta. Tanong ng mga tao kung magkano ang kanilang babayaran. Tanong ni Prinsipe, "Ay, hindi ba natin babayaran yung kay Prinsesa?" Tanong ko sa sarili, "Bakeeet???" At dahil hindi ko gaanong kilala ang mga taong nandoon, wala akong nasabi. Hinati ni Prinsipe nang pantay pantay ang kwenta at umabot sa LIMAMPUNG SALAPI ang aking babayaran. Para sa sopas at maliit na plato. Limampung salapi.

Heto ang mga dahilan kung bakit ako'y galit na galit. Una, si Prinsesa ang nagyaya, bakit ako ang pinagbayad? Pangalawa, tatlo silang kasama namin ang magtatapos ngayong taon, bakit si Prinsesa lang ang nililibre? Si Prinsesa na may hanapbuhay na nung kami'y nag-uusap nung hapunan ay pinagmamalaki na kaya nyang magbayad ng renta para sa dalawang tirahan at may matitira pa na hindi na nya malaman kung saan gagamitin. Ikatlo, halos lahat sila (sapagkat may mga hanapbuhay ang karamihan ng mga kasama namin) ay kumpletong kurso ng pagkain ang kinuha (ensalada, malaking piraso ng karne ng baka, alak, atbp.). Dalawa kaming mag-aaral pa rin na halatang nagtitipid dahil isang kurso o mura lang ang kinuha. Kaya naman lumalabas na sinubsidize naming dalawa ang kinain nilang lahat. Bakit nga naman sila hindi papayag na pantay pantay ang hatian??? At ikahuli, nang ihatid ako sa aking tahanan, ang huling bati sa akin ni Prinsipe, "Magkita kita muli tayo bago magtapos ang taon... maghanda KA ng isang malaking pagdiriwang!" REALLY??? You have got to be kidding me!

Napakakapal naman talaga ng kanilang mga kaapugan. Don't you agree? Hinding hindi na mauulit. Kahit kailan.

No comments:

Post a Comment